Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ang pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na ...
Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ang
pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino
sa paggawa ng desisyon.
• Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para
sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang
kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa
pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan.
Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita,
ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. Sa kabilang banda, inferior
goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa
pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay
Alena. Sa pagtaas ng kita ni Alena ay tataas din ang kaniyang demand sa karneng
baka. Kapag bumaba naman ang kita ni Alena, bababa rin ang demand niya para
dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para kay Alena. Sa
pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand para sa sardinas. Sa
pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito.
•Panlasa- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto
at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa,
maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong
panlasa bilang pang-almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa
ensaymada.
• Dami ng Mamimili- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag
na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat
kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang
marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon
ang smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya
marami ang demand nito.
• Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo – Masasabing
magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo
o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong sabay na
ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang
complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago
sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng
komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag
bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal. Kung tumaas
naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan
ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa demand para sa isang
produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong
komplementaryo (complementary).
Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring
magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks
sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng
softdrinks. Dahil dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito,
tataas naman ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang
produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing
ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa (substitute goods). Ang iba pang
halimbawa ng pamalit ay kape at tsa, keso, at margarine.
•Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap- Kung inaasahan ng mga
mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw
o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan