Impormal sektor, mahihirap na kumakayod, kumikita sa sariling paraan, karpintero, pedicab driver, vendor,
Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinangayunan ng International Labour Organization (ILO)batay sa kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission saKenya, Africa noong 1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.
Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. Sa isinagawang 15th International
Conference of Labor Statisticians noong Enero 19-28, 1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawa ng mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak o malalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.
Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office (NSO)ng Informal Sector Survey (ISS).Ito ang kauna-unahang pambansang sarbeytungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na mayroong halos 10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employed ay humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyong katao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS)ng taong ding iyon (Abril 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawa at 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito, 2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa 35 gulang pataas.
Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority (NEDA),na pinamagatang “The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo, Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyong tutugon sa ating mga pangangailangan.
Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP)ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan sa ibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and Budget Department (House of Representatives)noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors Share in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng BLES NSO 2007.
INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP IN SELECTED ASIAN COUNTRIES
Source: Charmes 2000, BLES, 2007
Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka”upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.
Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI)noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy.
Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero, at mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sa sektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegal na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD) at digital video disc ( DVD ).
Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor:
Ø Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
Ø Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
Ø Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP)ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan sa ibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and Budget Department (House of Representatives)noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal Sectors Share in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ng BLES NSO 2007.
Countries (years)
|
Percent of Total GDP
|
Percent of Non-
Agricultural GDP
|
Philippines (1995)
|
25.4
|
32.5
|
Philippines (2001-2006)
|
20-30
|
-
|
Korea (1995)
|
15.9
|
16.9
|
Indonesia (1998)
|
25.2
|
31.4
|
Pakistan (1997)
|
21.2
|
28.7
|
India (1990-91)
|
32.4
|
48.1

COMMENTS