Showing posts with label Araling Panlipunan I0. Show all posts
Showing posts with label Araling Panlipunan I0. Show all posts

Tuesday, February 9, 2016

Ang Ugnayan ng Pilipinas sa mga Samahang Pandaigdig: WTO; APEC, ASEAN






Ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa sa daigdig ay mas higit na pinagbubuti sa pamamagitan ng kalakalang panlabas. Ito ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, at maging sa industriyalisasyon. Sa kasalukuyang panahon, higit na akma ang kasabihang “walang sinoman ang nabubuhay para sa sarili lamang” o sa wikang Ingles ang kasabihang “No Man is an Island”.

Kaugnay nito, sa kasalukuyang panahon, ang pakikipagkalakalan ay higit na ginawang sistematiko. Ito ay naging ganap sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga samahang pandaigdig o international organization na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.

Ilan sa mga samahang pandaigdigang pang-ekonomiko na kabilang ang ating bansa ay ang sumusunod:
                                    
WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO)           

Ang Kalakalang Panlabas ng Pilipinas


Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay sinusuri ang tinatawag nating balance of payment (BOP),na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transaksiyon ng isang bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Samantala, ang balance of trade (BOT)naman ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na iniluluwas (export).

Kaugnay nito, sa paglipas ng panahon, patuloy na lumalawak ang pakikipagugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalan. Ayon sa June 2014 na ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA)o dating kilala bilang National Statistics Office (NSO), tumaas ng 21.3% ang kabuuang kita ng Pilipinas mula sa pagluluwas (export) ng mga produkto. Batay sa June 2014 tayo ay kumita ng $5.444 bilyong dolyar

Ang Prinsipyo ng Kalakalang Panlabas

Nagaganap ang ganitong ugnayan ng mga bansa dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba pang mga salik upang maisagawa ang produksiyon. Halimbawa, ang ating bansa ay sagana sa mga produktong agrikultural gaya ng bigas, mais, gulay, at mga prutas subalit salat naman tayo sa produktong langis at petrolyo kung kaya’t tayo ay umaasa sa produksiyon ng ibang bansa. Ang ganitong sitwasyon ang nagbibigay ng batayan kung bakit umiiral ang kalakalang panlabas.

Kaugnay nito, ang pag-iral ng sistema ng kalakalang panlabas ay hindi na bago. Kung ating babalikan ang kasaysayan, bago pa man dumating ang mga Espanyol, ang mga sinaunang Pilipino ay nakikipagpalitan na ng kalakal sa ilalim ng sistemang barter sa mga Arabo, Tsino, Hapones,

Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

Ang ilan sa mga batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor ay ang sumusunod:

1.    REPUBLIC ACT 8425
Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11, 1997 at pormal na ipinatupad noong Hunyo 3, 1998. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda (SRA)na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC)bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na

ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG


Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolar sa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawang pag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart ang konseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinangayunan ng International Labour Organization (ILO)batay sa kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission saKenya, Africa noong 1972. Batay sa resulta ng kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng batas.

Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ng resolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormal na sektor. Sa isinagawang 15th International

Mga Batas na Nangangalaga sa Karapatan ng Manggagawa

Artikulo XIII
Katarungang Panlipunan at mga Karapatang Pantao sa Paggawa
Sek. 3 Dapat magkaloob ang estado ng lubos naproteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa trabaho empleyo para sa lahat.
            
Dapat itaguyod ng Estado ang manggagawa prinsipyong hatiang pananagutan ng mga na itinatadhana ng ating Saligang manggagawa at mga employer at ang Batas preperensiyal na paggamit ng boluntaryong mga pamamaraan ng pagsasaayos sa mga hidwaan, kabilang ang konsilyasyon, at dapat ipatupad ang pagtalima rito ng isa’t isa upang maisulong ang katiwasayang industriyal.
Dapat regulahin ng Estado ang ugnayan ng mga manggagawa at mga employer, dahil sa pagkilala sa

Ang mga Manggagawang Pilipino sa Sektor ng Paglilingkod


Ang mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sektor ng paglilingkod ay hindi pahuhuli sa nasabing larangan. Taglay nila ang mataas na antas na katangian ng isang mahusay na tagapaglingkod. Sila ay masipag, malikhain, matiyaga, at nakatutulong nang malaki upang umangat sa larangang ito. Sa akdang A Moral Recovery Program: Building a People-Building a Nation ni Patricia Licuanan, inilahad na ang pagiging malikhain, at mapamaraan ng mga Pilipino ay naipakikita sa kanilang kakayahang iangkop ang kanilang pamumuhay saan mang panig ng mundo. Bukod pa rito, ang kanilang pagiging bukas at handa sa pagkatuto sa iba’t ibang kasanayan ang isa pa sa mga katangian ng mga Pilipino na labis na hinahangaan, hindi lamang dito sa loob ng bansa kundi lalo’t higit pa sa ibang panig ng mundo.

ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng kakayahan ng mga
kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba’t ibang kalakal at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa hinaharap. 
Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon,

Tuesday, January 26, 2016

Ugnayan ng Sektor ng Agrikultura at Industriya

Maliwanag ang kalagayan at kontribusyon ng sektor ng industriya sa kabuuang kita ng Pilipinas. Kabahagi ito sa pagtatamo ng maayos na ekonomiya ng bansa. Ang ugnayan at interaksiyon ng mga sektor ay mahalagang aspekto upang makamit ang ninanais na katatagan ng pamahalaan.
Sa aspekto ng pag-uugnayan, ang sektor ng industriya at agrikultura ay may direktang pakinabang sa bawat isa. Sa isang banda, nagmumula sa agrikultura ang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto ng industriya. Ang mga sangkap na ito ay nagkakaroon ng transpormasyon, nadadagdagan ng halaga, at nag-iiba ng anyo ayon sa magiging gamit at pakinabang dito. Ang dinadaanang proseso ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan tulad ng lakas-paggawa, iba’t ibang sangkap sa produksiyon at iba pa.
Sa kabilang banda, ang mga kagamitang ginagamit sa agrikultura tulad ng traktora, sasakyang pangisda, at iba pa ay produktong mula sa industriya. Ginagamit ang mga ito upang magkaroon ng mas mataas na produksiyon na magbibigay ng mas malaking kita sa namumuhunan at mas maraming produkto para sa mga mamimili. Ang ugnayang ito ay nagpapakita ng lubos na pagtutulungan sa mga sektor ng ekonomiya.

Epekto ng Industriyalisasyon

Ang kaugnayan ng industriyalisasyon sa kaunlaran, ayon sa mga ekonomistang tulad nina Adam Smith (1776), Marx, Engels (1848) at John Willamson (1990), ang patuloy na motibasyon ng maraming bansa na mapataas ang produksiyon ng sektor ng ekonomiya. Ngunit ayon din sa kanila, sa kabila ng mga benepisyo na dala ng industriyalisasyon sa buhay ng mga mamamayan, marapat na makita rin ang epekto nito. Mangangailangan ng kritikal na pag-unawa at pagninilay upang mapagtimbang ang kahalagahan at epekto ng industriyalisasyon at ang pangmatagalang implikasyon nito sa lipunan at sa bawat isa.

Ayon sa mga ekonomistang nabanggit sa itaas, ang industriyalisasyon ay nakapagdudulot ng mataas na antas ng polusyon, hindi pagkakapantay ng kalagayang pang-ekonomiko, at ang pagbaba ng pagkakaisa sa mga miyembro ng komunidad dahil sa paglakas ng kumpetisyon. Nabanggit din sa batayang aklat na isinulat nina Balitao et al. (2012) na ang polusyon at pagkasira ng kapaligiran ay masyadong mabilis dulot ng industriyalisasyon. Samantala, batay naman kay Williamson (1999), na binanggit sa dyornal nina Federman at Levine (2005), ang industriyalisasyon ay maaari ding maging dahilan upang bumaba ang bilang ng mga mag-aaral sa paaralan dahil nahihikayat silang magtrabaho sa halip na tapusin ang kanilang pag-aaral.

Kahalagahan ng Sektor ng Industriya

Malaki ang paghahangad ng maraming bansa na matamo ang kaunlaran. Karaniwang iniuugnay ang
industriyalisasyon sa kaunlaran ng isang bansa. Ito ay alinsunod sa modernization theory ni Walt Rostow batay sa artikulo ni Peter Kasanda na nagsaad na ang kaunlaran ay matatamo kung susundan ang mga dinaraanang na proseso ng mga mauunlad na bansa. Ayon naman sa batayang aklat ng Araling Panlipunan IV nina Balitao et al. (2012) na kanilang hinalaw sa mga kanluraning ekonomista, ang kaunlaran ay maaaring maganap kung magkakaroon ng transpormasyon ang isang lipunan mula sa ‘pagiging rural, agricultural, atrasado, at mapamahiin patungong urban, industriyal, progresibo, at modern’. Ang paniniwalang ito ay naging isang mainit na paksa

Sektor ng Industriya



2002
2003
2004
2005
2006
2007
2008
2009
2010
Kabuuang









Lakas
Paggawa
35,120
35,629
35,494
35,806
35,919
37,058
38,196
39,289
Kabuuang









lakas-
paggawa
30,251
31,553
31,741
32,875
33,185
33,671
34,533
35,478
36,489
Agrikultura
11,311
11,741
11,785
12,171
12,164
16,364
12,328
12,062
12,260
Industriya
4,669
4,948
4,880
4,883
4,895
4,849
5,076
5,144
5,364
Paglilingkod
14,271
14,865
15,076
15,820
16,126
12,458
17,128
18,271
18,865










Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng Agrikultura


Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura (MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA)

Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura

A.   PAGSASAKA
1.    Pagliit ng lupang pansakahan.

Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas angpagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.

Kahalagahan ng Agrikultura

Ang pag-unlad ng isang bansaay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunod na kahalagahan:
1.    Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulanng pagkain. Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon

Ang Sektor ng Agrikultura

Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang 
nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
Nahahati angsektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry).
           Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board(NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamanggubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.

Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may
gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring ang pagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansariling pagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawat isa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ng matalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos ng lahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa:

MAPANAGUTAN

1.    Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang

Kahalagahan ng Human Development Index

Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarang pambansa ng dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Bawat taon, ang United Nations Development Programme (UNDP)ay naglalabas ngHuman Development Reportukol saestado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito.
Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng
2013 activity Adam Smith adjustment Agri/fishery agriculture Animal Production application aquaculture Araling Panlipunan Araling Panlipunan 8 Araling Panlipunan I0 Araling Panlipunan II Araling Panlipunan IV architec architect Art Arts Asia asin Assessment Matrix Assyrian Asya athletics AutoCAD Automotive Babylonian bakal Bar Exam Biology black pepper blogger blur BMI Calculator breed business camera cardiovascular career guide carpentry cattle cell cell differences cell membrane cell respiration chemical Chemical Engineer Chemistry Civil Engineering Climate code color control comelec Command Economy commercial crops common noun components computer computer software Continue Cookery copyright course cpa crawl Criminologist crop crops Cultural culture Curriculum Guide Curriculum Map cut flower demand dentistry desktop development Disaster Readiness Discipline displacement disposal dissertation distance docking Download dressmaking drone duck duck raising ducks e-class record Earth Ebolusyon Economics Edukasyon sa Pagpapakatao effectivesness electrical Electronics electronics engineer elementary elements engineer English English 10 entrepreneur entrepreneurship EPP Erectus EsP 10 Estate Broker events exam examination exercise facebook comment farming feasibility study feed fertile crescent fiber fiber crops field File file formats File menu Filipino Filipino 9 fitness flexibility Food (fish) Processing Forest Forest conservation forest coservation forestry form Format forms fruits games garlic gas generator ginger give away Glycolysis Goat good manners google search Grade 10 Grade 8 Grade 9 Handicraft hardware Harvesting hatching health Hebrew heograpiya Hilagang Asya history Hittites Home Economics Homo sapiens Horticulture hot pepper Human Person ICT ICT II IFS image image window Imges imperyo increase index India indigenous Industrial Arts information integrated integrated farming system intracellular components java jobs jump K to 12 Kanlurang Asya kindergarten kinematics Kompetisyon kontinente kultura labor code labor law langis laptop latitude leadership1 learning learning materials lecture legumes LET life science link literacy literature location logo lokasyon longitude Magnus Effect magsasaka Mapeh Market Economy marketing Masonry material Math matter Mechanical Engineering media Medical Technologist memo menu menu bar mercury mesolitiko Mesopotamia metal Midwife Mixed Economy module monitor Monopsony monsoon Mother Tongue motion muscular music neolitiko news noun gender noun plural nouns nursing board oil crop oligopoly onion online Oral Communication order P E P.E P.E. Paleolitiko palettes pananaw paniniwala parts of speech peanut peking periodic exam personal pharmacists phases Philosophy Phoenician photoshop physical Physical Education physical fitness Physician Physics Pilipinas Pisikal planting calendar plumber plyometric plyometric-exercise politics possessive noun poultry PRC press releases Principal's Test Reviewer principles Printing probability program promotion proper noun quail quails quarterly exam quartz Questionnaire questions quick fix raga Raising rasa reading record recycle recycled reference regions relihiyon research research paper Risk Reduction rock roots run salary scalar scanner schedule school calendar Science scientific notation secondary Senior High Sch Silangang Asya Social Studies society soybean spice Spice crops SSG states of matter Statistics stories structure sub menu submit article sukat Sumerian sunflower suplay supply system tala tanso Teachers Teaching Guide Technical Drafting Technical Evaluation term paper TESDA test Therapist thesis throws Timog Asya Timog Silangang Asya TLE TLE IV tool toolbox toolkit topic track and field Tradisyonal na Ekonomiya tungsten Unang Kabihasnan Unang Tao units UPCAT UST vector vegetable vermicomposting vermiculture vermiworms videos waste welcome welding wika workspace world worms writing yamang likas yamang mineral Yamang Tao zambia zinc