Showing posts with label Araling Panlipunan IV. Show all posts
Showing posts with label Araling Panlipunan IV. Show all posts

Tuesday, October 7, 2014

Kahulugan ng Pamilihan

Ang pamilihan ay isang kaayusan kung saan nagkakaroon ng interaksiyon ang mga mamimili at nagtitinda upang magpalitan ng iba't ibang bagay. May pamilihan dahil walang sinuman ang may kayang tugunan ang lahat ng kanyang pangangailangan. Maaaring hindi ikaw ang nagtanim ng halamang pinagkukunan ng hiblang ginagamit upang mabuo ang damit na suot mo ngayon. Sa halip, binili mo ito sa tindahan ng damit na isang halimbawa ng pamilihan, nakakamit ng tao ang mga bagay na nais niya.
Sa halip na maging self-sufficient, ang bawat tao ay gumagawa ng isa o ilang produkto lamang. Ang nars ay dalubhasa sa pag-aalaga ng may sakit. Ang panadero ay dalubhasa sa paggawa ng tinapay. Gayundin naman ang magsasaka ay dalubhasa sa produksiyon ng produktong agrikultura.

Thursday, August 28, 2014

PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN, and kanilang pagkakaiba

Ang tao ay may kailangan at kagustuhan na kailangan niyang matugunan. Ang pagkain, damit, at tirahan ay
tinatawag na batayang pangangailangan (basic needs) sapagkat hindi maaaring mabuhay ang tao kung wala ang mga ito.

Subalit hindi sapat na ang tao ay makakain ng tatlong beses sa isang araw, makapagdamit, at may matirahan. Hangad niya na mabuhay nang maayos at maginhawa. Ang paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan ay tinatawag na kagustuhan. Ito ay mga bagay na maaaring wala ang isang tao subalit sa kabila nito ay maaari pa rin siyang mabuhay. Hinahangad ito ng tao sapagkat ito ay nagbibigay sa kanya ng kaginhawaan, kasiyahan, pag-angat ng

Monday, August 18, 2014

ALOKASYON SA IBA’T IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA. Araling Panlipunan 10

Sa market economy, ang gumagawa ng pagpapasya ay mga tao sa pamamagitan ng pamilihan. Sa command
economy naman, ang pagpapasya ay nasa kamay ng pamahalaan sa pamamagitan ng malawakang pagpaplano.

Tradisyonal na Ekonomiya
Ang pinakaunang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong kung ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso at kababaihang nagtatanim o nangunguha ng bungangkahoy.

Monday, August 11, 2014

ANG SESTEMANG PANG-EKONOMIYA. Araling Panlipunan 10

Ang sestemeng pang-ekonomiya ay paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang
makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan. Kung hinahangad na matugunan ang pangangailangan at kagustuhan, kinakailangang may alokasyon ng mga pinagkukunang yaman. Layunin ng isang sestemang pang-ekonomiya na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal o serbisyo at maiwasan ang kakulangan sa mga bagay na ito.
Kailangang tumugon ang bawat lipunan sa tatlong katanungan.
Una, ano-anong kalakal at serbisyo ang dapat likhain at gaano karami ito? Nakapaloob ditto ang pagpili sa mga bagay na dapat likhain at kung ano-ano ang maaaring gawing alternatibo para sa mga ito.

Friday, August 8, 2014

KONSEPTO NG ALOKASYON

Ang alokasyon ay isinasagawa upang hindi humantong sa pagkaubos ang mga limitadong pinagkukunang
yaman. Iniiwasan din na magkaroon ng mga pagkakataon na kung saan ang mga pangunahing pangangailangan at kagustuhan ng tao ay hindi kayang matugunan. Ang alokasyon ay isang paraan upang makamit ang mga layunin ng mga kasapi sa isang ekonomiya.
Kadalasan, ang alokasyon ay pinakakahulugan bilang distribusyon ng mga pinagkukunang yaman. Ngunit sa katotohanan ay magkaiba ang konsepto ng alokasyon at distribusyon. Muli, ang alokasyon ay tumutukoy sa paglalaan ng mga pinagkukunang yaman alinsunod sa tinutugunang pangangailangan at kagustuhan.

Monday, August 4, 2014

HAMON SA KAKAPUSAN

Maraming samahan sa buong daigdig ang naniniwala na may solusyon ang suliranin ng kakapusan. Sa mga
nagmamalasakit sa kapaligiran, binuo nila ang mga programang pangkonserbasyon. Layunin nito na mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran. Kabilang sa mga isinulong ng mga programang pangkonserbasyon ang sumusunod:
1.       Pagtatanim ng mga puno sa mga nakakalbong kagubatan at sa kalunsuran.
2.       Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng mga kemikal at iba pang bagay na nakalilikha ng polusyon.
3.       Pagkordon o enclosure ng mga piling lugar na malala ang kaso ng ecological imbalance.
4.       Pagbabantay sa kalagayan at pangangalaga sa mga nauubos na uri ng mga hayop.

Friday, August 1, 2014

KAKAPUSAN BILANG SULIRANING PANLIPUNAN

Ang kakapusan ay isang suliraning pang-ekonomiya. Ngunit kadalasan, nagiging isang suliraning panlipunan
ang kakapusan.

Kaguluhan
Maraming digmaan, tunggalian ng mga pangkat, o away ng mag-anak na ang pinag-uugatan ay pagkamkam o hidwaan sa hangganan ng mga pag-aarin pinagkukunang-yaman tulad ng lupain. Ang pakikipaglaban ng ibang tao sa kanilang karapatan sa pagmamay-ari ay kadalasang nagiging marahas at madugo. Kalimitan, nauuwi ito sa pagpaslang sa kapwa, pananakop, pang-aapi sa mga nagapi, pagpupumilit ng kagustuhan kahit labag sa kalooban ng ibang tao, pagtanggi sa ibang lipi, o poot sa mga kamag-anak na nauuwi rin sa away ng mga angkan. Natututo ang mga tao na makipagkompetensiya sa isa’t isa para makapagmay-ari ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Wednesday, July 30, 2014

KAKAPUSAN AT KADAHILANAN NITO

Isa sa mahahalagang tanong sa ekonomiks ay “Bakit nakararanas ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman
ang isang ekonomiya?” Ang sagot sa tanong na ito ay nagsisilbing panimulang hakbangin ng mga ekonomista sa paglutas ng kakapusan.

Ano-ano nga ba ang mga kadahilanan ng kakapusan at nararanasan ito? Ang mga kadahilanan ay ang sumusunod: (1) Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman; (2) Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman; at (3) Walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Monday, July 28, 2014

KAKAPUSAN AT KAKULANGAN

May isang konsepto na palagiang iniuugnay sa kakapusan. Ito ay ang kakulangan.

Muli, ang kakapusan ay hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Samantala, ang kakulangan (shortage) ay kaganapan kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng malilikhang produkto ang dami ng planong pagkonsumo ng tao.

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Kakapusan at Kakulangan

Masasabi na may aspekto ng pagkakatulad ang kakapusan at kakulangan. Pareho silang kumikilala

Sunday, July 27, 2014

KAKAPUSAN AT PALATANDAAN NITO

Sa ekonomiks, pinaniniwalaan na ang bawat ekonomiya ay nakararanas ng kakapusan sa pinagkukunang
yaman.
Hindi ipinapahiwatig ng kakapusan na ang kahirapan ay umiiral lamang sa ekonomiya na salat sa pinagkukunang yaman. Sa katunayan, may mahihirap na tao sa isang ekonomiya kahit na mayaman ang bansa sa pinagkukunang yaman. Sumakatuwid, hind inaalintana sa kakapusan ang pisikal na dami ng pinagkukunang-yaman. Mas nabibigyang-diin sa konsepto nito ang paraan kung bakit hindi nakatugon ang pinagkukunang-yaman sa pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Halimbawa, ang isang bansa ay masasabing mayaman sa mga dagat at ilog. Inaasahan na isa sa mga pangunahing gawaing pang-ekonomiya nito ang pangingisda. Inaasahan din na isda ang pangunahing produkto at pagkain ditto. Ngunit sa pagdaan ng panahon, maaaring marami sa ilog at dagat ang nangamamatay dahil sa polusyon. Maaasahan na bababa ang produksiyon ng isda. Marami sa umaasa sa pangingisda ay bababa rin ang kita. Ang umaasa sa isda bilang pagkain ay mahihirapang humanap ng pamalit dito.

Friday, July 25, 2014

MGA BATAS UKOL SA PANGANGALAGA NG PINAGKUKUNANG-YAMAN

Republic Act 7586. Kilala rin bilang National Integrated Protected Areas System Act of 1992. Ang batas
na ito ay kumikilala sa kritikal na kahalagahan ng pangangalaga at pagpapanatili sa mga likas na biyolohikal at pisikal na pagkakaibaiba sa kapaligiran.

Republic Act 7942. Kilala rin bilang Philippine Mining Act of 1995. Itinatakda ng batas na ito ang pagkilala sa lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa mga lupaing pampubliko at pribado na nasa loob ng hangganan at tanging sonang ekonomiko ng Pilipinas bilang pag-aari ng Estado.

Thursday, July 24, 2014

KAHALAGAHAN NG PANGANGALAGA NG KALIKASAN

Ang kalikasan ay may apat na mahalagang tungkuling ginagampanan.

1.       Ang kalikasan ay pinagmumulan ng iba’t ibang pinagkukunang-yaman. Ang mga yamang ito ay maaaring renewable at non-renewable.
2.       Ang kalikasan ay tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng produksiyon at pagkonsumo. Isang halimbawa ang absorption ng kagubatan ng carbon dioxide sa hangin.
3.       Ang kalikasan ay tumutugon sa pangangailangan ng tao na magdudulot sa kanya ng kasiyahan. Ang paggamit ng

Wednesday, July 23, 2014

PAGKAWASAK NG KALIKASAN AT PAGKAUBOS NG MGA YAMANG LIKAS

Dahil sa pagkasira ng kalikasan, lalo na ang mga kagubatan, ang mga pagbaha ay nagiging mas madalas sa
iba’t ibang panig ng bansa sa mga nagdaang panahon. Noong 1990, nagkaroon pagbaha sa Rehiyon 9 at sa Zamboanga del Sur. Noong 1991, ang pagbaha sa Ormoc City sa Leyte ay kumitil sa halos 8,000 katao. Noong 1994, may naitalang siyam na malawakang pagbaha at ang karamihan ay naganap sa Rehiyon 10,11, at 12. Noong 2004, ang mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Bulacan, at Nueva Ecija ay nakaranas ng biglaang pagbaha at mga landslide. Sa mga lugar na malawakan ang pagbaha (particular halimbawa sa Samar, Leyte, Camiguin,

Thursday, July 10, 2014

KONSEPTO NG LIKAS-KAYANG PAGGAMIT

Ang World Conservation Union ay isang pandaigdigang organisasyon na nagpahayag ng pagkilala na ang kultura, ekonomiya, at kapakanan ng tao ay nakadepende sa kalikasan. May 181 bansa sa buong daigdig ang tumugon sa ganitong pagkilala at pagpapahalaga. Pangunahin layunin nito na mahikayat at matulungan ang iba’t ibang bansa na mapangalagaan ang kalikasan sa pamamagitan ng likas-kayang paggamit o sustainable use. Ang likas-kayang paggamit ay tumutukoy sa paggamit ng renewable na yamang likas sa paraang ang mga ito ay hindi manganganib na maubos.

Layunin ng Likas-Kayang Paggamit
1.       Hikayatin ang paggamit ng mga biological resource ayon sa kasanayang tradisyon at paniniwala na naaayon sa konserbasyon at likas-kayang pamamaraan.
2.       Suportahan ang lokal na populasyon sa pagpapaunlad at pagsasagawa ng mga pamamaraan ng konserbasyon sa mga lugar na nababawasan ang biological diversity.
3.       Hikayatin ang pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sector sa pagpapaunlad ng mga paraan ng likas-kayang paggamit ng mga biological resource.
4.       Ipaloob ang konserbasyon at likas-kayang paggamit ng biological diversity sa programa, plano, at mga patakaran ng pamahalaan at pribadong sector.


MGA PANGANGAILANGAN NG MGA MAMAMAYAN

Maraming pangangailangan ang mga mamamayan. Bukod sa pagkain, damit, at tirahan, mahalaga rin para sa
isang lipunan na tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan. Ang malulusog na mamamayan ay mahalagang salik tungo sa pambansang kaunlaran. Nararapat ding ipagkaloob ng pamahalaan ang sapat na edukasyon sa kabataan kung nais nitong maibaon at maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan.

Malaking surilanin ang kinakaharap ng isang bansang may mataas na unemployment rate at mababang sahod ng mga manggagawa. Ang mga manipestasyon nito ay maaaring mabanaag sa mga bagay na nagaganap sa lipunan. Ang mga magulang ay nahihirapang mapaaral ang kanilang mga anak kung kaya maraming kabataan ang napipilitang tumigil sa kanilang pag-aaral. Gayundin, ang kabataan ay napipilitang maghanapbuhay upang tulungan ang kanilang pamilya. Nagtratrabaho sila sa kabila ng mababang suweldo at hindi maaayos na kalagayan sa trabaho.

Wednesday, July 9, 2014

BALANGKAS NG POPULASYON NG PILIPINAS

Sa ngayon, tinatayang mahigit na sa anim na bilyong tao ang naninirahan sa daigdig. Bukod ditto, tinatayang
212,970 katao ang nadaragdag sa populasyon ng daigdig bawat araw. Kung tutuusin, umaabot na mahigit sa 76 milyong katao ang karagdagang kailangang pakainin sa loob ng isang taon. Sa mabilis na paglaki ng populasyon, nagiging mas mahirap ang alokasyon upang mapakinabangan ng lahat ang mga pinagkukunang-yaman.
Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay may malaking epekto sa aspektong pangkabuhayan ng isang pook. Maliwanag na lubhang mabigat ang presyur na iniaatang ng lumalaking populasyon sa mga yamang likas. Darating kaya ang panahong hindi na nito kayang tustusan ang pangangailangan ng sangkatauhan?

Ang mga bansang may pinakamalalaking populasyon sa daigdig ay matatagpuan sa Asya tulad ng China, India, Indonesia, Pakistan, at Bangladesh. Ayon ito sa 2008 The World Almanac and Books of Facts, ang Pilipinas ay ikapito sa mga bansang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.

Tuesday, July 8, 2014

PAGPAPAUNLAD SA KALIDAD NG PAGGAWA

Ang sector ng paggawa ay may mga suliraning nagiging hadlang upang ang mga manggagawa ay magkaroon
ng maayos na pamumuhay. Maraming mga Pilipino ang hadlang maghanapbuhay subali’t wala naming mahanap na trabaho. Marami naman ang may trabaho subali’t hindi naman lubos na nagagamit ang kanilang kabuuang potensiyal o kaya naman ay mababa ang kanilang natatanggap na sahod. Isa sa mga layunin ng pag-aaral ng ekonomiks ay ang pagbibigay ng hanapbuhay sa mga taong nangangailangan nito at ang pagkakamit ng mataas na bilang ng mga taong may trabaho.
Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangunahing sangay ng pamahalaan na nagbabalangkas at nangangasiwa sa iba’t ibang patakaran at programang nauukol sa paggawa. Ang mga layunin ng DOLE ay nakatuon sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at pagbibigay-proteksiyon sa karapatang pantao, paggalang sa dignidad ng tao habang naghahanapbuhay, at pagsusulong ng mataas na bilang ng mga taong may hanapbuhay. 

Thursday, July 3, 2014

ANG LAKAS-PAGGAWA NG BANSA

Ang labor force o lakas-paggawa ay tumutukoy sa kabuuang bilang ng manggagawang may edad 15 taon
pataas, kabilang ang may trabaho, walang trabaho, at naghahanap ng trabaho. Ang labor force participation rate ay tumutukoy sa ratio ng kabuuang bilang ng mga taong kabilang sa lakas-paggawa kung ihahambing sa kabuuang populasyon na may gulang na 15 taon pataas.

Ang mga may trabaho o employed ay tumutukoy sa lahat ng mga may gulang na 15 taon pataas batay sa kanyang huling kaarawan na naiulat na nagtratrabaho, kabilang na rito ang may trabaho ngunit wala sa lugar ng trabaho dahil sa karamdaman, nagbakasyon, nagwelga, at iba pang dahilan. Ang mga walang trabaho o unemployed naman ay tumutukoy sa mga pansamantalang natanggal sa trabaho, naghahanap ng trabaho, o mga nais magtrabaho ngunit hindi magkaroon ng oportunidad na makapagtrabaho dahil sa karamdaman. Samantala, ang mga underemployed ay ang mga may trabaho, ngunit hindi natutugunan ang kumpletong oras ng paggawa dahil sa sariling kagustuhan o dahil sa hindi makahanap ng full-time na trabaho. 

Tuesday, July 1, 2014

YAMANG TAO NG PILIPINAS

Ang mga nabanggit na yamang likas ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi ito lilinangin at isasailalim sa prosesong nauukol sa paglikha ng mga produktong pang-industriya at pangkonsiyumer. Sa puntong ito, nagiging mahalagang salik ng produksiyon ang tao sapagkat siya ang gumagamit ng lakas at nagpapaunlad sa mga yamang likas. Kung wala ang mga magsasaka sino ang lilinang ng lupain upang makapagprodyus ng bigas? Kung wala ang mga mangingisda, sino ang manghuhuli ng isdang inihahain sa hapag-kainan? Kung wala ang mga minero, ano ang mangyayari sa iba’t ibang industriyang nangangailangan.

YAMANG CAPITAL NG PILIPINAS

Ang yamang capital (capital resources) ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong produkto. Kabilang ditto ang mga kagamitan, makinarya, kasangkapan, pabrika, imbakan, transportasyon, at iba pang mga pasilidad na ginagamit sa proseso ng produksiyon. Gayundin, saklaw nito ang mga gusali lansangan, at iba pang mga imprastruktura.
1st Quarter Examination 2013 activity Adam Smith adjustment Agri/fishery agriculture Animal Production application aquaculture Araling Panlipunan Araling Panlipunan 8 Araling Panlipunan I0 Araling Panlipunan II Araling Panlipunan IV architec architect Art Arts Asia asin Assessment Matrix Assyrian Asya athletics AutoCAD Automotive Babylonian bakal Bar Exam Biology black pepper blogger blur BMI Calculator breed business camera cardiovascular career guide carpentry cattle cell cell differences cell membrane cell respiration chemical Chemical Engineer Chemistry Civil Engineering Climate code color control comelec Command Economy commercial crops common noun components computer computer software contemporary issues Continue Cookery copyright course cpa crawl Criminologist crop crops Cultural culture Curriculum Guide Curriculum Map cut flower demand dentistry desktop development Disaster Readiness Discipline displacement disposal dissertation distance docking Download dressmaking drone duck duck raising ducks e-class record Earth Ebolusyon Economics Edukasyon sa Pagpapakatao effectivesness electrical Electronics electronics engineer elementary elements engineer English English 10 entrepreneur entrepreneurship EPP Erectus ESP EsP 10 Estate Broker events exam examination exercise facebook comment farming feasibility study feed fertile crescent fiber fiber crops field File file formats File menu Filipino Filipino 9 fitness flexibility Food (fish) Processing Forest Forest conservation forest coservation forestry form Format forms fruits games garlic gas generator ginger give away Glycolysis Goat good manners google search Grade 1 Grade 10 Grade 2 Grade 3 Grade 4 Grade 5 Grade 6 Grade 7 Grade 8 Grade 9 Handicraft hardware Harvesting hatching health Hebrew Hekasi heograpiya Hilagang Asya history Hittites Home Economics Homo sapiens Horticulture hot pepper Human Person ICT ICT II IFS image image window Imges imperyo increase index India indigenous Industrial Arts information integrated integrated farming system intracellular components java jobs jump K to 12 Kanlurang Asya kindergarten kinematics Kompetisyon kontinente kultura labor code labor law langis laptop latitude leadership1 learning learning materials lecture legumes LET life science link literacy literature location logo lokasyon longitude Magnus Effect magsasaka Mapeh Market Economy marketing Masonry material Math matter Mechanical Engineering media Medical Technologist memo menu menu bar mercury mesolitiko Mesopotamia metal Midwife Mixed Economy module monitor Monopsony monsoon Mother Tongue motion MTB muscular music neolitiko news noun gender noun plural nouns nursing board oil crop oligopoly onion online Oral Communication order P E P.E P.E. Paleolitiko palettes pananaw paniniwala parts of speech peanut peking periodic exam personal pharmacists phases Philosophy Phoenician photoshop physical Physical Education physical fitness Physician Physics Pilipinas Pisikal planting calendar plumber plyometric plyometric-exercise politics possessive noun poultry PRC press releases Principal's Test Reviewer principles Printing probability program promotion proper noun quail quails quarterly exam quartz Questionnaire questions quick fix raga Raising rasa reading record recycle recycled reference regions relihiyon research research paper Risk Reduction rock roots run salary scalar scanner schedule school calendar Science scientific notation secondary Senior High Sch Silangang Asya Social Studies society soybean spice Spice crops SSG states of matter Statistics stories structure sub menu submit article sukat Sumerian sunflower suplay supply system tala tanso Teachers Teaching Guide Technical Drafting Technical Evaluation term paper TESDA test Therapist thesis throws Timog Asya Timog Silangang Asya TLE TLE IV tool toolbox toolkit topic track and field Tradisyonal na Ekonomiya tungsten Unang Kabihasnan Unang Tao units UPCAT UST vector vegetable vermicomposting vermiculture vermiworms videos waste welcome welding wika workspace world worms writing yamang likas yamang mineral Yamang Tao zambia zinc