Showing posts with label Asia. Show all posts
Showing posts with label Asia. Show all posts

Thursday, July 12, 2012

Kahalagahan ng Monsoon sa Asya


Ang salitang monsoon ay hango sa salitang Arabong mausin na nangangahulugang season.  Ito ay hanging nagtataglay ng ulan. Ito rin ay nangangahulugang “salitan at magkakasalungat na hangin” o alternating opposing winds o seasonal winds.

Sa Timog Silangang Asya, tunutukoy nito ang pagbabago ng direksiyon ng hangin mula sa kontinente patungo sa karagatan o northeast monsoon na mula Nobyembre hanggang Pebrero, at mula sa karagatan patungo sa kontinente o southwest monsoon na mula Mayo hanggang Setyembre. Ang northeast monsoon, na tinatawag sa Pilipinas na hanging amihan, ay nagmumula sa Siberia. Ito ay nagdudulot ng mababang temperature subalit walang dalang masyadong pag-ulan. Sa kabilang dako, ang southwest monsoon o hanging habagat sa atin, ay nagdadala ng matinding ulan sa silangang baybayin ng Timog Silangang Asya. Samantala, may kahinaan ang hangin sa panahon ng intermonsoon season o ang mag buwan ng Oktubre at Abril na pagitan ng dalawang monsoon.

Tuesday, July 10, 2012

Ang Klima sa Asya


Ang klima ay tumutukoy sa karaniwang panahong (average weather) nararanasan sa isang lugar sa loob ng mahagang panahong. Ayon sa World Meteorological Association, ang panahong nasasaklaw ay karaniwang nagtatagal ng 30 taon. Kabilang sa mga elementong napapaloob sa klima ay ang temperaturang nakapaloob sa klima ay ang temperature ng isang lugar, ulan (precipitation), at hangin.
Ang klima ng isnag lugar ay naapektuhan din ng iba’t ibang salik. Pangunahin sa mga ito ay ang lokasyon ng isang lugar sa mundo. Nariyan din ang impluwensiya ng topograpiya (tulad ng pagkakaroon ng kabundukan), ang uri o dami ng mga halaman(tulad ng pagkakaroon kagubatan o damuhan), at maging ang lapit o layo ng isang lugar sa mga anyo ng tubig.

Ang malaking bahagi ng Asya ay nakararanas ng klimang continental. Katangian nito ang malaking pagbabago at agwat ng temperatura taun-taon. Ang hanging nakararating sa Asya na nagmumula sa Atlantic Ocean matapos dumaan sa Europa at Africa ay nagiging hanging continental.

Monday, July 9, 2012

Katangiang Pisikal ng Timog Silangang Asya


Ang mainland Southeast Asia ay isang tangway na nasa pagitan ng South China Sea at Indian Ocean. Ang malalaking bahagi ng lupaing ito ay kabundukan at manaka-nakang mga nagtataasang talampas mula sa Himalayas hanggang katimugang bahagi ng China. Ang kabundukan at talampas na ito ay siyang naghihiwalay sa bahaging ito ng Timog Silangang Asya sa iba pang rehiyon. Ang lupaing ito ay dinadaluyan ng mga ilog ng Irrawaddy, Salween, Chao Phraya, Mekong, at Red River.

Sa kabilang dako, ang insular South East Asya ay binubuo rin ng mga kapuluang nakakalat sa karagatan. Kabilang ditto ang mga isla ng Pilipinas, Indonesia, at East timor. Ang ilan sa mga kapuluang ito (kasama ang Japan) ay kabilang sa rehiyong tinatawag na Ring of Fire na matatagpuan sa Pacific Ocean. Ang Ring of Fire

Sunday, July 8, 2012

Katangiang Pisikal ng Timog Asya


Ang Timog Asya ay isang malaking tangway na tila hugis tatsulok. Sa hilaga ng rehiyonng ito matatagpuan ang mga kabundukan ng Hindu Kusk at Himalayas. Ang katimugang bahagi ng rehiyong ito ay pinalilibutan ng tubig: ang Arabian Sea sa kanluran ang Indian Ocean sa katimugan, at Bay of Bengal sa silangan. Ang nabanggit na anyong tubig ay patuloy na nagsisilbing ruta ng transportasyon magpahanggang ngayon.

Sa Timog Asya makikita ang mga nagtataasang kabundukan sa buong mundo. Pinatanyag ditto ang Himalayas. Ito ay may habang umaabot sa 1,500 milya (2,414 km), ang mga tuktok nito ay nababalutan ng yelo. Ang mga natutunaw na yelong ito ay siyang pinagmumulan ng tubig ng mga ilog na dumadaloy sa Timog Asya. Tinatayang 50 sa mga matataas na bundok, ang mga ito ay may taas na aabot sa limang milya (8km). 

Saturday, July 7, 2012

Katangiang Pisikal ng Silangang Asya


 Kahit na napakalawak ng lupain ng China, ang malaking bahagdan ng populasyon nito ay naninirahan at nagsisiksikan sa silangang bahagi ng bansa. Ito ay sa kadahilanang ang kanlurang bahagi nito ay mga kabundukan at talampas. Katunayan, ang 80% ng kabuuang lupain ng China ay may ganitong uri ng anyong lupa. Dahil ang ganitong mga lupain ay hindi kaaya ayang pagtamnan, kalat-kalat ang mga pamayanan ditto. Gayundin naman, karamihan sa mga tao rito ay mga nomadikong nagpapastol. Sa kabilang banda, 20% ng China ay patag na lupain, kabilang na ang mga kapatagan sa baybayin at mga lambak. Ang tatlong pinakamahalagang ilog sa pamumuhay ng Tsino ay ang Huang Ho, Yangtze, at Xi Jiang.

Sa kabilang dako, ang Japan ay nahihiwalay sa lupain ng Silangang Asya sa pamamagitan ng Korean Strait at Sea of japan (East Sea naman ang tawag ditto sa Korea). Ang Japan ay binubuo ng apat na malalaking isla

Friday, July 6, 2012

Katangiang Pisikal ng Kanlurang Asya


Matutunghayan sa Kanlurang Asya ay ang Northern Tier, Arabian Peninsula, at Fertile Crescent. Saklaw ng Northern Tier ang mga lupain ng Turkey at Iran na Rehiyon ng Kabundukan at talampas. Sa kanlurang bahagi nito ay ang Anatolian Plateau na may matabang lupang maaaring tamnan.

Ang Arabian Peninsula naman ay isang malawak na tangway na pinalibutan ng iba’t ibang anyong tubig. Kabilang sa mga ito ay ang Red Sea, Arabian Sea, at Peninsula Gulf. Kahit malawak ang lupaing ito, ang Arabian Peninsula ay nagtataglay lamang ng maliit populasyon. Ito ay sa kadahilanang salat sa tubig ang lupaing ito  sapagkat ang malaking bahagi nito ay disyerto. Ang mga tao rito ay naninirahan malapit sa mga oasis. Ito  ay isang lugar sa disyertong nagtataglay ng matabang lupa at tubig na maaaring makabuhay ng mga halaman at hayop.

Monday, July 11, 2011

Lokasyon ng Asya

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaring matukoy and lokasyon nito sa mapa. Ang longitude ay mga distansyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime Meridian. Ito rin ay malalaking bilog o great circles na tumatahak mula sa North pole patungong south Pole. Ang Prime Meridian na nasa Greenwich England ay itinalaga bilang zero degree longitude.

Ang mga latitude ay distansyang angular na natutukoy sa hilaga o timog ng equator o ekwador. Ang equator ay humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinakda bilang zero degree latitude.

Ang lupain ng Asya ay umaabot mula sa Arctic hanggang lampas ng equator. Wala nang iba pang kontinente and may ganitong uri ng lokasyon. Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay nasa humigit kumulang 10o South hanggang 90o North latitude at mula naman 11o hanggang 175o East longitude at hanggang 164o longitude at hanggang 85o latitude.

1st Quarter Examination 2013 activity Adam Smith adjustment Agri/fishery agriculture Animal Production application aquaculture Araling Panlipunan Araling Panlipunan 8 Araling Panlipunan I0 Araling Panlipunan II Araling Panlipunan IV architec architect Art Arts Asia asin Assessment Matrix Assyrian Asya athletics AutoCAD Automotive Babylonian bakal Bar Exam Biology black pepper blogger blur BMI Calculator breed business camera cardiovascular career guide carpentry cattle cell cell differences cell membrane cell respiration chemical Chemical Engineer Chemistry Civil Engineering Climate code color control comelec Command Economy commercial crops common noun components computer computer software contemporary issues Continue Cookery copyright course cpa crawl Criminologist crop crops Cultural culture Curriculum Guide Curriculum Map cut flower demand dentistry desktop development Disaster Readiness Discipline displacement disposal dissertation distance docking Download dressmaking drone duck duck raising ducks e-class record Earth Ebolusyon Economics Edukasyon sa Pagpapakatao effectivesness electrical Electronics electronics engineer elementary elements engineer English English 10 entrepreneur entrepreneurship EPP Erectus ESP EsP 10 Estate Broker events exam examination exercise facebook comment farming feasibility study feed fertile crescent fiber fiber crops field File file formats File menu Filipino Filipino 9 fitness flexibility Food (fish) Processing Forest Forest conservation forest coservation forestry form Format forms fruits games garlic gas generator ginger give away Glycolysis Goat good manners google search Grade 1 Grade 10 Grade 2 Grade 3 Grade 4 Grade 5 Grade 6 Grade 7 Grade 8 Grade 9 Handicraft hardware Harvesting hatching health Hebrew Hekasi heograpiya Hilagang Asya history Hittites Home Economics Homo sapiens Horticulture hot pepper Human Person ICT ICT II IFS image image window Imges imperyo increase index India indigenous Industrial Arts information integrated integrated farming system intracellular components java jobs jump K to 12 Kanlurang Asya kindergarten kinematics Kompetisyon kontinente kultura labor code labor law langis laptop latitude leadership1 learning learning materials lecture legumes LET life science link literacy literature location logo lokasyon longitude Magnus Effect magsasaka Mapeh Market Economy marketing Masonry material Math matter Mechanical Engineering media Medical Technologist memo menu menu bar mercury mesolitiko Mesopotamia metal Midwife Mixed Economy module monitor Monopsony monsoon Mother Tongue motion MTB muscular music neolitiko news noun gender noun plural nouns nursing board oil crop oligopoly onion online Oral Communication order P E P.E P.E. Paleolitiko palettes pananaw paniniwala parts of speech peanut peking periodic exam personal pharmacists phases Philosophy Phoenician photoshop physical Physical Education physical fitness Physician Physics Pilipinas Pisikal planting calendar plumber plyometric plyometric-exercise politics possessive noun poultry PRC press releases Principal's Test Reviewer principles Printing probability program promotion proper noun quail quails quarterly exam quartz Questionnaire questions quick fix raga Raising rasa reading record recycle recycled reference regions relihiyon research research paper Risk Reduction rock roots run salary scalar scanner schedule school calendar Science scientific notation secondary Senior High Sch Silangang Asya Social Studies society soybean spice Spice crops SSG states of matter Statistics stories structure sub menu submit article sukat Sumerian sunflower suplay supply system tala tanso Teachers Teaching Guide Technical Drafting Technical Evaluation term paper TESDA test Therapist thesis throws Timog Asya Timog Silangang Asya TLE TLE IV tool toolbox toolkit topic track and field Tradisyonal na Ekonomiya tungsten Unang Kabihasnan Unang Tao units UPCAT UST vector vegetable vermicomposting vermiculture vermiworms videos waste welcome welding wika workspace world worms writing yamang likas yamang mineral Yamang Tao zambia zinc