Showing posts with label yamang likas. Show all posts
Showing posts with label yamang likas. Show all posts

Tuesday, July 1, 2014

YAMANG TAO NG PILIPINAS

Ang mga nabanggit na yamang likas ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi ito lilinangin at isasailalim sa prosesong nauukol sa paglikha ng mga produktong pang-industriya at pangkonsiyumer. Sa puntong ito, nagiging mahalagang salik ng produksiyon ang tao sapagkat siya ang gumagamit ng lakas at nagpapaunlad sa mga yamang likas. Kung wala ang mga magsasaka sino ang lilinang ng lupain upang makapagprodyus ng bigas? Kung wala ang mga mangingisda, sino ang manghuhuli ng isdang inihahain sa hapag-kainan? Kung wala ang mga minero, ano ang mangyayari sa iba’t ibang industriyang nangangailangan.

YAMANG CAPITAL NG PILIPINAS

Ang yamang capital (capital resources) ay tumutukoy sa lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw na materyales upang makabuo ng panibagong produkto. Kabilang ditto ang mga kagamitan, makinarya, kasangkapan, pabrika, imbakan, transportasyon, at iba pang mga pasilidad na ginagamit sa proseso ng produksiyon. Gayundin, saklaw nito ang mga gusali lansangan, at iba pang mga imprastruktura.

YAMANG LIKAS NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng masaganang yamang likas, tulad ng mga kagubatan, anyong tubig, anyong lupa, mineral , mga isda, at mga hayop.

Yamang Lupa
Ang Pilipinas ay may kabuuang lawak na 300,000 kilometro kuwadrado o 30 milyong ektarya. Ang
malaking bahagi ng lawak na ito ay saklaw ng Luzon at Mindanao. Mula hilaga patungong timog, ang haba ng Pilipinas ay sumusukat ng halos 1,840 kilometro, mula kanluran patungong silangan, ito naman ay sumusukat ng halos 1,000 kilometro.
Natatakpan ng mga kagubatan ang 18% ng kabuuang lupain ng Pilipinas. Samantala, tinatayang 21% ng lupain ng Pilipinas ay binubuo ng mga kugon at latian, Tinataya naming 35% ang lupaing agricultural na pinagmumulan ng palay, mais, prutas, mga pruduktong nagmumula sa niyog, asukal, tabako, at iba pang produktong agricultural.
Ang Pilipinas ay may 8,120 species ng katutubong halamang namumulaklak, 950 species ng ibon, 240 species ng mammals, at 3,500 species ng mga katutubong puno. Maliban ditto, 3,000 species ng halaman ay sa Pilipinas lamang matatagpuan.

Monday, March 31, 2014

Yamang Likas

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang biniyayaan ng masaganang yamang likas, tulad ng mga kagubatan,
anyong tubig, anyong lupa, mineral, mga isda, at mga hayop. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kagubatan sa aspekto ng pagbabalanse ng atmospera. Sinasabing ang isang ektarya ng kagubatan ay may kapasidad na higupin at linisin ang isang toneladang carbon dioxide sa loob ng isang taon.
2013 activity Adam Smith adjustment Agri/fishery agriculture Animal Production application aquaculture Araling Panlipunan Araling Panlipunan 8 Araling Panlipunan I0 Araling Panlipunan II Araling Panlipunan IV architec architect Art Arts Asia asin Assessment Matrix Assyrian Asya athletics AutoCAD Automotive Babylonian bakal Bar Exam Biology black pepper blogger blur BMI Calculator breed business camera cardiovascular career guide carpentry cattle cell cell differences cell membrane cell respiration chemical Chemical Engineer Chemistry Civil Engineering Climate code color control comelec Command Economy commercial crops common noun components computer computer software Continue Cookery copyright course cpa crawl Criminologist crop crops Cultural culture Curriculum Guide Curriculum Map cut flower demand dentistry desktop development Disaster Readiness Discipline displacement disposal dissertation distance docking Download dressmaking drone duck duck raising ducks e-class record Earth Ebolusyon Economics Edukasyon sa Pagpapakatao effectivesness electrical Electronics electronics engineer elementary elements engineer English English 10 entrepreneur entrepreneurship EPP Erectus EsP 10 Estate Broker events exam examination exercise facebook comment farming feasibility study feed fertile crescent fiber fiber crops field File file formats File menu Filipino Filipino 9 fitness flexibility Food (fish) Processing Forest Forest conservation forest coservation forestry form Format forms fruits games garlic gas generator ginger give away Glycolysis Goat good manners google search Grade 10 Grade 8 Grade 9 Handicraft hardware Harvesting hatching health Hebrew heograpiya Hilagang Asya history Hittites Home Economics Homo sapiens Horticulture hot pepper Human Person ICT ICT II IFS image image window Imges imperyo increase index India indigenous Industrial Arts information integrated integrated farming system intracellular components java jobs jump K to 12 Kanlurang Asya kindergarten kinematics Kompetisyon kontinente kultura labor code labor law langis laptop latitude leadership1 learning learning materials lecture legumes LET life science link literacy literature location logo lokasyon longitude Magnus Effect magsasaka Mapeh Market Economy marketing Masonry material Math matter Mechanical Engineering media Medical Technologist memo menu menu bar mercury mesolitiko Mesopotamia metal Midwife Mixed Economy module monitor Monopsony monsoon Mother Tongue motion muscular music neolitiko news noun gender noun plural nouns nursing board oil crop oligopoly onion online Oral Communication order P E P.E P.E. Paleolitiko palettes pananaw paniniwala parts of speech peanut peking periodic exam personal pharmacists phases Philosophy Phoenician photoshop physical Physical Education physical fitness Physician Physics Pilipinas Pisikal planting calendar plumber plyometric plyometric-exercise politics possessive noun poultry PRC press releases Principal's Test Reviewer principles Printing probability program promotion proper noun quail quails quarterly exam quartz Questionnaire questions quick fix raga Raising rasa reading record recycle recycled reference regions relihiyon research research paper Risk Reduction rock roots run salary scalar scanner schedule school calendar Science scientific notation secondary Senior High Sch Silangang Asya Social Studies society soybean spice Spice crops SSG states of matter Statistics stories structure sub menu submit article sukat Sumerian sunflower suplay supply system tala tanso Teachers Teaching Guide Technical Drafting Technical Evaluation term paper TESDA test Therapist thesis throws Timog Asya Timog Silangang Asya TLE TLE IV tool toolbox toolkit topic track and field Tradisyonal na Ekonomiya tungsten Unang Kabihasnan Unang Tao units UPCAT UST vector vegetable vermicomposting vermiculture vermiworms videos waste welcome welding wika workspace world worms writing yamang likas yamang mineral Yamang Tao zambia zinc