Friday, July 22, 2011

Mga Likas na Yaman ng Asya

 Timog Asya
Sa Timog Asya, India lamang ang biniyayaan ng humigit kumulang na 54% ng lupa na maaring bungkalin. Kaya’t lupa ang itinuturing na na pinakamalagang likas na yaman nito. Ang kapatagan ng ganges ay isa sa mga pinakamatabang rehiyon sa India dahil sa alluvial soil. Ang alluvial soil ay mataba at pinong lupa na diniposito o tinambak sa lambak at bukana ng ilog matapos ang pagbaha o pag-apaw ng ilog. Samantalang maliit lamang ang matabang lupa sa Afghanistan, Bangladesh, Maldives, Nepal, Pakistan, at Sri Lanka na tanging 30% lamang ng pangkalahatang lupa ang binubungkal.
Sa matatabang lupa nagtatanim ng barley, mais, palay, trigo, oilseed, jute, kape, patatas, kamote, bulak, kasuy, at ibang sangkap na pampalasa tulad ng chili, cinnamon, pepper, at cloves. Samantala, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng opyo bagamat ipinagbabawal ng pamahalaan. Ang alagang hayop ng Afghanistan ay tupang karakul at sa Bangladesh ay baka. Nahuhuli mula sa Indian Ocean ang palos , tuna,  dilis, at hipon. Ang mga dagat ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng shellfish at isda tulad ng mackerel at salmon.

Ang yamang lupa ng Silangang Asya ay matatagpuan sa mga talampas, kapatagan, bundok, lupaing praire sa Mongolia, mga lambak tulad ng daluyan ng Yangtze River, Mongolian steppe, at iba pang mga lupang binubungkal. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin. Ang pinakamahalagang pananim nito ay palay. Nangunguna ang China sa buong daigdig sa produksyon ng palay. Ang mga ibang pananim ay trigo, mais, oats, at kaoliang, isang uri ng sorghum at millet. Ang kaoliang ay ginagamit sa pagkain ng mga alagang hayop at ginagawang alak.
Ilan sa mga pananim ng ibang bansa sa Silangang Asya ay sugar, beets, patatas, repolyo, mais, soybean, bawang, red beans, at prutas tulad ng ubas, peras, at peach.  Ang mga hayop na katulong sa hanapbuhay ay, kalabaw, kamelyo, kabayo, buriko, at yak. Ang dagat China ay mayaman sa pagkaing dagat tulad ng flounder, cod, tuna, cuttlefish, sea crab, at prawn. Ang mga ilog ay hitik sa carp, sturgeon, at hito.

Kanlurang Asya
Malawak ang deposito ng petrolyo at natural gas na matatagpuan sa timog-kanluran at sa paligid ng Persian Gulf. Ang natural gas ng Iran ang pangalawang pinakamalaking reserba sa buong daigdig. Tinatayang ang Iran ay may 10% na reserba ng petrolyo sa buong daigdig. Pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo ay Saudi Arabia.
Ilan sa mga pananim sa rehiyon ay dates, kamatis, sibuyas, melon, trigo, barley, tabako, ubas, tsaa, mais, hazel nut, at mga prutas. Sa bundok ng Lebanon ang pinakatanyag na puno sa bansa, ang cedar. Sa Saudi Arabia, ang pinakamalaking lupang binubungkal ay sa oasis sa silangan kung saan ang itinatanim ay dates. Ang ibang lupain ay ginagamit na pastulan ng tupa, baka, at kambing.


 Timog Silangang Asya
Malaking bahagi ng Myanmar at Brunei ay kagubatan.  Sa 84% na kagubatan ng Brunei naninirahan ang iba’t ibang uri ng unggoy, ibon, at reptile. Matatagpuan sa kagubatan ng Myanmar ang pinakamaraming puno ng teak sa buong mundo. Iba pang mahalagang puno ang goma, cinchona, acacia, niyog, at bunga. Sa kagubatan ng Pilipinas makikita ang pinkamaraming uri ng palm at matigas na kahoy tulad ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra, mayapis, at iba pa.
May iba’t ibang pananim ang rehiyon tulad ng palm oil, sesame, bulak, trigo, mani, soybean, niyog, cacao, kape, abaka, at mga prutas. Ang Pilipinas ay nangunguna sa daigdig sa produksyon ng langis ng niyog at kopra. Matatagpuan sa Puilipinas ang tamaraw, sagana rin ang bansa sa iba’t ibang uri ng reptilya. Malaki ang mga depositing natural gas sa Indonesia, karamihan ay nasa silangang baybayin dagat ng Sumatra at sa Kalimantan. Ang mahigit sa 80% ng langis mula sa Timog Silangang Asya ay nanggagaling sa Indonesia, ditto rin nanggagaling ang mahigit sa 35% ng liquefied gas buong daigdig. Ito rin ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman sa Pilipinas.

Hilagang Asya
Sa mga lambak-ilog at mga mababang burol ng mga bundok nagtatanim ang mga Taga-hilagang Asya ng palay, trigo, bulak, gulay, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas, at mansanas. Ang Uzbekistan ay isa sa pinakamalaking tagaluwas ng cotton seed sa buong daigdig. Ang produksyon ng pagkaing butyl ay nakatuon sa pagtatanim ng trigo, palay, ay barley. Ang mga hayop tulad ng baka at tupa ay inaalagaan at pinararami. 



Timog Asya
Bansa
Yamang Mineral
Afghanistan
Langis, natural gas, tanso, bakal, lapis lazuli
Bangladesh
Natural gas, batong apog, luwad
Bhutan
Batong apog, dolomite, karbon
India
Karbon, bauxite, bakal, langis, natural gas, manganese, tanso, chromite, gypsum, batong apog, mica, rock appetite
Maldives

Nepal
Bakal, tanso, mica
Pakistan
Karbon, gypsum, batong apog, chromite, bakal, rock salt, silica sand, natural gas, langis, asin
Sri Lanka
Gemstone, graphite, luwad, ilmenite, batong apog, monazite, asin, titanium, zircon
Silangang Asya
Bansa
Yamang Mineral
China
Bakal, aluminum, tin, antimony, magnesium, tungsten, molybdenum, mercury, manganese, tingga, zinc, uranium, fluorite, mica, phosphate rock, quartz, asin, silica, talc, karbon, langis, natural gas
Japan
Natural gas, bakal, zinc, tingga, bauxite, karbon
North Korea
Karbon, bakal, tungsten, magnesium, graphite, ginto, pilak, tanso, tingga zinc, molybdenum
South Korea
Karbon, bakal, graphite, zinc, tungsten, tingga, tanso, ginto, pilak, molybdenum, batong apog.
Taiwan
Ginto, tanso, karbon, langis, natural gas, marmol
Kanlurang Asya
Bansa
Yamang Mineral
Bahrain
Langis, natural gas
Cyprus
Tanso, pyrites, asbestos, gypsum, asin, marmol, clay earth pigment
Iran
Langis, natural gas, tanso, bauxite, karbon, bakal, tingga, zinc, chromium
Iraq
Barite, asin, gypsum, molybdenum, mica, silica, talc, uranium, langis, natural gas, bakal, ginto, tingga, tanso, pilak, platinum, zinc, phosphate, sulfur, asin, gypsum
Israel
Potash, bromine, magnesium, tanso, phosphate, luwad, natural gas
Jordan
Potash, phosphate
Kuwait
Langis, natural gas
Lebanon
Batong apog, gypsum
Oman
Langis, tanso, ginto, chromite, manganese, asbestos, karbon,batong apog
Qatar
Langis, natural gas
Saudi Arabia
Petrolyo, natural gas, iron ore, ginto, tanso
Syria
Langis, phosphate rock, asphalt, asin, karbon, bakal, tanso, tingga, ginto
Turkey
Chromium, boron, bakal, langis, natural gas, karbon, bauxite, manganese, antimony, tingga, zinc, magnesium, asbestos, mercury, pilak, sulfur,
United Arab Emirates
Langis, natural gas
Yemen
Langis, natural gas, rock salt, batong apog, marmol, alabaster
Timog Silangang Asya
Bansa
Yamang Mineral
Brunei
Langis, natural gas
Cambodia
Zircon, sapphire, ruby, asin, manganese, phosphate
East Timor
Ginto, petrolyo, natural gas, manganese, marmol
Indonesia
Langis, natural gas, tin, bauxite, tanso, nickel, karbon, pilak, ginto, diyamante, ruby
Laos
Karbon, batong apog, gypsum, tin
Malaysia
Langis, natural gas, tin, bauxite, tanso, bakal, pilak, ginto
Myanmar
Langis, natural gas, tin, antimony, zinc, tanso, tungsten, tingga, karbon, tanso, nickel, pilak, marmol, batong apog, jade, ruby, sapphire
Pilipinas
Tanso, ginto, pilak, nickel, tingga, chromium, zinc, cobalt, manganese, langis, natural gas
Singapore
Luwad
Thailand
Karbon, zinc, tingga, tin, gypsum, bakal
Vietnam
Ginto, bakal, tin, zinc, phosphate, chromite, karbon
Hilagang Asya
Bansa
Yamang Mineral
Kazakhstan
Karbon, bakal, manganese, bauxite, chromium, tungsten, ginto, tanso, tingga, zinc, uranium, langis, natural gas
Kyrgyzstan
Ginto, antimony, mercury, langis, natural gas, karbon, uranium, nepheline, bismuth, tingga, zinc
Siberia
Karbon, langis, natural gas
Tajikistan
Ginto, pilak, tanso, antimony, molybdenum, zinc, karbon, natural gas, langis, uranium, phosphate
Turkmenistan
Langis, natural gas, karbon, sulfur, magnesium, gypsum, iodine, bromine, asin
Uzbekistan
Ginto, karbon, natural gas, langis


  • Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa kanlurang Asya.
  • May mga pangunahing produkto/likas na yaman ang bawat rehiyon sa Asya.
  • Iniluluwas ng mga Asyano ang kanilang ibang pananim sa ibang bansa.
Copper mining
Iron mining
Oil mining


Paki LIKE at SHARE. Salamat!


1st Quarter Examination 2013 activity Adam Smith adjustment Agri/fishery agriculture Animal Production application aquaculture Araling Panlipunan Araling Panlipunan 8 Araling Panlipunan I0 Araling Panlipunan II Araling Panlipunan IV architec architect Art Arts Asia asin Assessment Matrix Assyrian Asya athletics AutoCAD Automotive Babylonian bakal Bar Exam Biology black pepper blogger blur BMI Calculator breed business camera cardiovascular career guide carpentry cattle cell cell differences cell membrane cell respiration chemical Chemical Engineer Chemistry Civil Engineering Climate code color control comelec Command Economy commercial crops common noun components computer computer software contemporary issues Continue Cookery copyright course cpa crawl Criminologist crop crops Cultural culture Curriculum Guide Curriculum Map cut flower demand dentistry desktop development Disaster Readiness Discipline displacement disposal dissertation distance docking Download dressmaking drone duck duck raising ducks e-class record Earth Ebolusyon Economics Edukasyon sa Pagpapakatao effectivesness electrical Electronics electronics engineer elementary elements engineer English English 10 entrepreneur entrepreneurship EPP Erectus ESP EsP 10 Estate Broker events exam examination exercise facebook comment farming feasibility study feed fertile crescent fiber fiber crops field File file formats File menu Filipino Filipino 9 fitness flexibility Food (fish) Processing Forest Forest conservation forest coservation forestry form Format forms fruits games garlic gas generator ginger give away Glycolysis Goat good manners google search Grade 1 Grade 10 Grade 2 Grade 3 Grade 4 Grade 5 Grade 6 Grade 7 Grade 8 Grade 9 Handicraft hardware Harvesting hatching health Hebrew Hekasi heograpiya Hilagang Asya history Hittites Home Economics Homo sapiens Horticulture hot pepper Human Person ICT ICT II IFS image image window Imges imperyo increase index India indigenous Industrial Arts information integrated integrated farming system intracellular components java jobs jump K to 12 Kanlurang Asya kindergarten kinematics Kompetisyon kontinente kultura labor code labor law langis laptop latitude leadership1 learning learning materials lecture legumes LET life science link literacy literature location logo lokasyon longitude Magnus Effect magsasaka Mapeh Market Economy marketing Masonry material Math matter Mechanical Engineering media Medical Technologist memo menu menu bar mercury mesolitiko Mesopotamia metal Midwife Mixed Economy module monitor Monopsony monsoon Mother Tongue motion MTB muscular music neolitiko news noun gender noun plural nouns nursing board oil crop oligopoly onion online Oral Communication order P E P.E P.E. Paleolitiko palettes pananaw paniniwala parts of speech peanut peking periodic exam personal pharmacists phases Philosophy Phoenician photoshop physical Physical Education physical fitness Physician Physics Pilipinas Pisikal planting calendar plumber plyometric plyometric-exercise politics possessive noun poultry PRC press releases Principal's Test Reviewer principles Printing probability program promotion proper noun quail quails quarterly exam quartz Questionnaire questions quick fix raga Raising rasa reading record recycle recycled reference regions relihiyon research research paper Risk Reduction rock roots run salary scalar scanner schedule school calendar Science scientific notation secondary Senior High Sch Silangang Asya Social Studies society soybean spice Spice crops SSG states of matter Statistics stories structure sub menu submit article sukat Sumerian sunflower suplay supply system tala tanso Teachers Teaching Guide Technical Drafting Technical Evaluation term paper TESDA test Therapist thesis throws Timog Asya Timog Silangang Asya TLE TLE IV tool toolbox toolkit topic track and field Tradisyonal na Ekonomiya tungsten Unang Kabihasnan Unang Tao units UPCAT UST vector vegetable vermicomposting vermiculture vermiworms videos waste welcome welding wika workspace world worms writing yamang likas yamang mineral Yamang Tao zambia zinc