Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang p...
Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano
kalaki ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa
tuwing may pagbabago sa presyo nito. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing
may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa
ibaba.
Bahagdan ng pagbabago sa QD o %∆Qd ang tumatayong dependent variable
at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent variable.
Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay
may salungat (inverse) na relasyon sa presyo. Para mas maayos ang interpretasyon,
gagamitin natin ang absolute value ng formula nito.
Kung saan:
ɛd = price elasticity of demand
%ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd
%ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo
Gamit ang mid-point formula ang %∆Qd at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang:
É›d = %∆Qd
%∆Qd %∆P %∆P
= __Q2 – Q1_ x 100 = _ P2 - P1 _ x 100 Q1 + Q2 P1 + P2
2 2
Halimbawa:
Q1 = 100 P1 = 60
Q2 = 200 P2 = 50
%∆Qd %∆P
= _200 – 100_ x 100 = _50 – 60 x 100 100 + 200 60 + 50
2 2
= 100 x 100 = -10 x 100 300 110
2 2
= 100 x 100 = -10 x 100 150 55
%ΔQd = 66.67% %ΔP = -18.18%
É›d = %∆Qd = 66.67% = | -3.67| elastic %∆P -18.18%
Sundan lamang ang mid-point formula upang makuha ang sagot. Ang unang
kukunin ay ang %∆Qd, alamin mula sa given kung alin ang Q1 at Q2 at gamitin na
ang formula rito. Pagkatapos ay kunin din ang %ΔP, alamin kung alin ang P1 at P2 at
gamitin na ang formula nito. Ang sagot sa %∆Qd ay i-divide sa nakuhang %ΔP para
makuha na ang coefficient ng elasticity.
Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may mga sitwasyon na mas
malaki sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng mga mamimili. Ibig
sabihin, ang produktong ito ay hindi gaanong mahalaga o kaya ay maraming pamalit
kaya puwede na munang hindi bilhin. Sa kabilang banda, may mga pagkakataon
naman na mas maliit sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng
mga mamimili. Nangangahulugan ito na ang produkto ay mahalaga o kaya ay limitado
ang mga pamalit kaya malamang ay bibilhin pa rin ito ng mga mamimili.
Kaugnay nito, tunghayan ang talahanayan sa ibaba upang maunawaan ang
iba’t ibang uri ng price elasticity of demand at ang gawi ng mamimili ayon sa pagbabago
ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
1. Elastic-Ang demand ay masasabing price elastic kapag mas malaki ang naging bahagdan
ng pagtugon ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo.
Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa presyo, ang mga mamimili ay nagiging
sensitibo sa pagbili. Halimbawa, ang price elasticity of demand ay 1.2. Ibig
sabihin, sa bawat isang bahagdan ng pagbabago sa presyo ay may katumbas
na 1.2 na bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded. Ang pagiging sensitibo
ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay maaring ipaliwanag ng
sumusunod:
a. Maaaring marami ang substitute sa isang produkto.
b. Ang mga produkto ay hindi pinaglalaanan ng malaki sa badyet sapagkat hindi naman ito
masyadong kailangan.
2. Inelastic- Ang demand ay masasabing price inelastic kapag mas maliit ang naging bahagdan
ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo.
Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang bahagdan ng pagbabago sa presyo,
ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa pagbili. Halimbawa, ang price elasticity
of demand ay 0.5. Ibig sabihin, sa bawat isang bahagdan ng pagbabago sa presyo
ay may katumbas na 0.5 na bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded.
Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay
maaaring ipaliwanag ng sumusunod:
a. Halos walang malapit na substitute
sa isang produkto.
b. Ang produkto ay pangunahing
pangangailangan.
3. Unitary o Unit Elastic- Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded.
4. Perfectly elastic-Nangangahulugan ito na anumang pagbabago sa presyo ay magdudulot
ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang
presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang.
5. Perfectly Inelastic Demand- Nangangahulugan ito na ang quantity demanded ay hindi tumutugon sa pagbabago ng presyo. Ang produktong ito ay lubhang napakahalaga na kahit
anong presyo ay bibilhin pa rin ang kaparehong dami.
Maliban sa elastic at inelastic, may iba pang degree ang elastisidad. Ito ay ang
unitary, perfectly elastic, at perfectly inelastic. Ipinapakita sa unitary na magkapareho
ang bahagdan ng pagbabago ng presyo at quantity demanded. Ang coefficient ng
unitary elastic demand ay 1. Walang tiyak na halimbawa ang ganitong degree ng
elastisidad. Ipinapakita naman sa perfectly elastic na kahit walang nagbago sa presyo
ay may pagtugon pa rin ang mga mamimili. Hindi malalaman ang dami ng pagtugon
dito kaya ang coefficient ng elasticity nito ay infinite (∞). Walang tiyak na halimbawa
ang ganitong degree ng elastisidad. Ipinapakita naman sa perfectly inelastic na kahit
anong pagbabago sa presyo ay walang magiging pagtugon ang mga mamimili dito.
Ibig sabihin, sa kahit na anong presyo ay bibili pa rin ng eksaktong dami. Dahil sa
walang pagtugon na naganap, ang coefficient ng elasticity nito ay 0. Tulad ng unitary
at perfectly elastic, wala ring tiyak o eksaktong sitwasyon o halimbawa ang perfectly
inelastic. Maituturing na pinakamalapit na halimbawa nito ay ang mga produktong
may kinalaman sa mga produkto at serbisyo na pansagip-buhay tulad ng insulin sa
mga may diabetes, chemotherapy sa mga may kanser at dialysis para sa mga may
malalang sakit sa bato.

%∆P