Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng ...
Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarang pambansa ng dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Bawat taon, ang United Nations Development Programme (UNDP)ay naglalabas ngHuman Development Reportukol saestado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito.
Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong 1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing “Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng
mga pahayag na ito, na kinatigan pa ng maraming empirikal na datos at makabagong pananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang Human Development Report ay nagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sa buong mundo.
Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang mga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago. Madalas na pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakita ng mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago. Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay.
Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI), kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender Inequality Index). Ang Inequality-adjusted HDIay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. Ang Multidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulitna pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pagunlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhay ng mga tao.